Quantcast
Channel: HIMAGSIK KAYUMANGGI
Viewing all articles
Browse latest Browse all 91

ANG TAGUMPAY NI MARIA LORENA BARROS

$
0
0

 ANG TAGUMPAY NI MARIA LORENA BARROS

[18 MARSO 1948-23 MARSO 1976]


Tulang pagpupugay ni E. San Juan, Jr.


Punglong sumabog--

Simbuyo ng paghihimagsik!

Ipinagkaloob mo ang iyong metalikong kaluluwa

sa dapog ng rebolusyon


Di kailangan ang uling ng pagdadalamhati

Di dapat mamighati


Tilamsik ng dugo

Sa sugatang himaymay ng iyong dibdib umapoy, sumigid

Ang umaasong adhika:

Kaluluwa mo'y masong dudurog sa tanikala ng kadiliman


Sumagitsit, napugnaw--

Sa lagim ng iyong pagkatupok, titis ng hininga mo'y

Di tumirik, di nagsaabo....

Ang pasiya mong lumaban ay nagbaggang tinggang umagnas, lumusaw sa anumang 

balakid.


Kailangang magpatigas

Dapat maging bakal--

Hindi ginto o pilak--

Ang kaluluwa upang sa sumusugbang lagablab ng pag-usig sa kabuktutan


Pandayin ang katawan ng ating pagnanais

Pandayin ang pinakamimithing kalayaan

Pandayin ang liwanag ng kinabukasan.



[Mula sa  E. San Juan, ALAY SA PAGLIKHA NG BUKANG-LIWAYWAY (Ateneo University Press, 2000, p. 49; unang nailathala sa koleksiyon ni E. San Juan, KUNG IKAW AY INAAPI, 1983].






Viewing all articles
Browse latest Browse all 91

Trending Articles


NANLUMO


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Suspek sa pagkakasagasa sa mag-ama, kinasuhan na


Pawnshop sa Iloilo City hinoldap


KALIWA’T KANAN ANG ILIGAL NA PASUGALAN ‘DI MATINAG


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


BUSABOS


SARILI


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


RTC Quezon City, Pasay City convict four employers for non-remittance of SSS...


Ina Raymundo, nilayasan ng asawa


Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde


Tundo Man May Langit Din


SULASOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar